Diretsahan ang makahulugang birada ng Kapuso actress at "Reina Hispanoamericana 2017" na si Winwyn Marquez laban sa katiwalian, sa panahon ng pananalasa ng bagyong Tino sa Kabisayaan.
Sa Instagram story ni Wyn, kinuwestyon niyang bumabagyo na naman pero wala pa ring nananagot sa isyu ng anomalya sa flood control projects.
Mababasa, "May bagyo nanaman pero no one is being held accountable padin."
"Pag nag baha nanaman...what will they say this time?While everyone keeps pointing fingers over these so-called flood control projects, has anything actually been done to truly help?"
Photo courtesy: Winwyn Marquez/IG
Matatandaang ilang buwan na ang nakalipas simula nang pumutok ang isyu sa flood control projects kung saan lumutang na marami sa mga contractor at politiko ang nakikinabang sa tinatawag na "kickback" pagdating sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).