Tatlong beses nang nag-landfall ang Bagyong "Tino" simula kaninang alas-12 ng madaling araw, Martes, Nobyembre 4, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA, unang nag-landfall ang bagyo sa Silago, Leyte kaninang 12:00 AM. Sumunod nito ay kaninang 5:10 AM sa Borbon, Cebu, at nito lang 6:40 AM nang mag-landfall ito sa Sagay City, Negros Occidental.
As of 7:00 AM, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Sagay City, Negros Occidental. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugsong 205 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 25 kilometers per hour.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Tino sa Huwebes, Nobyembre 6.
Samantala, inaasahang magiging ganap nang bagyo ang binabatanyang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa ngayong araw.
Namataan ito sa layong 2,085 kilometers East of Northeastern Mindanao.