Isiniwalat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na isa umanong mamamahayag ang nakatanggap ng “death threat” matapos iulat ang kontrobersiyal na isyu patungkol sa “Missing Sabungeros.”
Sa ibinahaging Facebook post ng NUJP noong Lunes, Nobyembre 3, inilahad umano ng mamamahayag sa NUJP Safety Office na nakatanggap siya ng banta sa kaniyang buhay ang matapos niyang i-reach out ang “whistleblower” at ang mga abogado ng isang indibidwal, na kamakailan ay tahasang nagsalita sa kaniyang nalalaman sa mga nawawalang sabungero.
“Gary De Leon, a reporter for News5 in Manila, reports receiving a death threat for his coverage of the Missing Sabungeros case. De Leon told the NUJP Safety Office that Julie ‘Totoy’ Patidongan threatened him on October 27 after he reached out to the whistleblower and his lawyers for comment for a story. NUJP has informed the Presidential Task Force on Media Security of the incident. We also understand that De Leon's newsroom has issued a statement or is preparing one,” anang NUJP.
Inilahad din ng reporter na para sa “spirit of fairness” ang dahilan kung bakit siya nag-reach out sa mga nasabing whistleblower at mga abogado, upang kuhain ang kanilang panig.
Nagpaalala naman ang NUJP na ito ay isang tanda na humaharap pa rin sa mga banta ang mga mamamahayag sa Pilipinas.
“We remind parties in cases that journalists covering a story are only doing their jobs,” anila.
“The threats De Leon has received show that journalists in the Philippines still face threats in relation to their work and are a reminder to newsroom to have security protocols in place for their reporters,” pagtatapos nila.
Matatandaang siniguro kamakailan ni Kapuso news anchor Emil Sumangil ang publiko na siya ay ligtas matapos ang kaniyang pag-uulat din sa nawawalang mga sabungero. Aniya sa kaniyang mga tagasubaybay, sila ay hindi dapat mabahala sapagkat siya ay nagbakasyon lamang.
KAUGNAY NA BALITA: 'Nagbakasyon lang!' Emil Sumangil ligtas at buhay na buhay-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA