December 12, 2025

Home BALITA Metro

QR code para sa tricycle drivers at mga nagtitinda sa palengke sa Metro Manila, aprubado na!

QR code para sa tricycle drivers at mga nagtitinda sa palengke sa Metro Manila, aprubado na!
Photo courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (FB)

Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang Resolution No. 25-16, Series of 2025 o ang “Paleng-QR Ph” nitong Martes, Nobyembre 4. 

Ang Paleng-QR Ph ay programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). 

Layon nitong layong palawigin ang paggamit ng QR code sa mga palengke at tricycle driver sa Metro Manila para sa mas mabilis na transaksyon. 

Sa kaugnay na ulat, ang Baguio City ang unang local government unit (LGU) na gumamit ng Paleng-QR Ph noong Agosto 2022 sa mga palengke at lokal na transportasyon nito tulad ng tricycle hubs. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Taong 2025 naman, umabot na sa 180 LGUs rollout ng Paleng-QR Ph, kung saan, lima ay nasa National Capital Region (NCR), 127 sa Luzon, 33 sa Visayas, at 15 sa Mindanao.

Bukod sa mas mabilis na proseso dala ng cashless transaction, layon din ng Paleng-QR Ph na matulungan ang mga microentrepreneur na magkaroon ng mas malawak na financing options at maiwasan ang posibleng health issues mula sa paghawak ng pera. 

Sean Antonio/BALITA