December 12, 2025

Home BALITA

Mga buwaya at iba pang hayop sa Crocolandia, ligtas!

Mga buwaya at iba pang hayop sa Crocolandia, ligtas!
Photo Courtesy: Crocolandia (FB)

Nagbaba ng abiso ang pamunuan ng Crocolandia Wildlife Park sa Talisay City, Cebu kaugnay sa kalagayan ng mga buwaya at iba pang hayop sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Sa latest Facebook post ng Crocolandia nitong Lunes, Nobyembre 4, sinabi nilang nasa ligtas at maayos na sitwasyon umano ang mga hayop.

“We are happy to share that all animals at Crocolandia are safe and secure. Our dedicated team has been on-site to ensure the well-being of every creature in our care,” saad ng nasabing wildlife park.

Dagdag pa nila, “Thank you for your concern, messages, and continued support. We remain committed to protecting wildlife and providing a safe sanctuary for all our animals.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang nagdulot ng takot at pangamba sa mga tao ang posibilidad na makatakas ang mga buwaya at iba pang hayop sa Crocolandia dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Tino.