Naging bagyo na binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Martes, Nobyembre 4.
Ayon sa update ng weather bureau, ganap nang tropical depression o mahinang bagyo ang naturang LPA kaninang 8:00 AM. Huli itong namataan sa layong 2,050 kilometers East of Northeastern Mindanao.
Samantala, ang bagyong "Tino" naman, as of 11:00 AM, ay nasa bisinidad ng Bacolod City, Negros Occidental. Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong 195 kilometers per hour.