December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Laglagan na!' Netizens naintriga kay Anjo dahil sa umano'y kabit ni Titosen noon pang 2013

'Laglagan na!' Netizens naintriga kay Anjo dahil sa umano'y kabit ni Titosen noon pang 2013
Photo courtesy: Anjo Yllana (TikTok)/via MB

Tila nakaabang na ang mga marites na netizens sa kamakailang pasabog na rebelasyon ng comedian at TV host na si Anjo Yllana sa mga dating co-hosts ng noontime show na "Eat Bulaga," partikular na si Senate President Tito Sotto III.

Sa live ni Anjo na kumakalat na sa iba't ibang social media platforms, may kung ilang araw na niyang pinasasaringan ang mga dating kasamahan sa noontime show, partikular si SP Sotto.

Tila nagbanta si Anjo na isisiwalat niya kung sino ang umano'y kabit ng senador sa Eat Bulaga simula pa noong 2013, kung patuloy siyang babanatan ng mga umano'y "vloggers" ni SP Sotto.

"Ano Titosen, gusto mo ba talaga? Meron ka pang Cristy Fermin eh, gusto mo ba talaga? Gusto mo ba talagang sabihin ko kung sinong kabit mo at kung sino 'yong girlfriend mo sa Eat Bulaga na naging girlfriend pa ni Bossing, sabay pa kayo?" ani Anjo.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon pa kay Anjo, tila "pinalakad" pa raw sa kaniya ni SP Sotto ang tinutukoy na kabit para mapunta sa kaniya.

Nagsabi rin si Anjo na alam daw niya ang mga nangyari sa noontime show at ang "sindikato" sa likod nito. Hinamon din niya si Sotto na ilabas ang mga ebidensya na talagang ibinibigay raw ang suweldo sa mga scholar ng show. Dagdag pa ni Anjo, hindi raw siya natatakot sa TVJ (Tito, Vic, at Joey De Leon).

"Ilang taon na lang eh ilalatag ko na kung ano talaga nangyari diyan sa Eat Bulaga... Oy hindi ako takot sa TVJ anong pinagsasabi n'yo? Si Director Bert De Leon mula 1979 ay direktor ng Eat Bulaga bago mamatay umiiyak sa akin, kasi pinagsasaksak siya sa likod, siniraan siya para matanggal siya bilang director," pagbubunyag ni Anjo.

"Pati 'yong asawa niya na naiwan umiiyak sa akin dahil winalang-hiya siya. Oo plinano, kaya nga may sindikato diyan eh sa Eat Bulaga, masasama ibang tao diyan," dagdag pa.

Hindi naman idinetalye ni Anjo kung sino ang tinutukoy niyang "sindikato" sa longest-running noontime show.

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens ang naging pasabog ni Anjo.

"Kabit reveal na 'yan!"

"Palibhasa inalis yata sa EB"

"Bakit ngayon lang nag-iingay?"

"Sino kaya sa mga taga EB ang shubet hahaha"

"Popcorn na tooooo hahahaha"

"Anong intensyon bakit ngayon nagsasalita?"

BAKIT NGA BA NAWALA SA EAT BULAGA SI ANJO YLLANA?

Dalawampu't isang taon si Anjo bilang host ng nabanggit na noontime show subalit noong kasagsagan ng pandemya noong 2020, marami ang nagulat sa desisyon niyang lumipat sa noontime show na "Happy Time" ng NET25.

Sa panayam ng PEP kay Anjo, sinabi niyang ang dahilan daw ng pag-alis niya sa show ay dahil hindi sila nakakapag-host dahil sa barangay sila ni Jimmy Santos naka-assign, para sa "Juan For All, All For Juan" segment.

Pero dahil mahigpit na ipinatutupad noon ang community quarantine, ang tanging nakakapasok lamang sa Eat Bulaga ay mga nakatalaga sa studio.

"For the past months, wala naman akong ginagawa dahil sa studio sila, kami ni Jimmy Santos, sa barangay. Siyempre, nami-miss ko rin kasi yung pag-host na tunay. Siyempre, may mga anak ako, ano ang ipapakain ko sa kanila kung two years pa na walang COVID-19 vaccine? So, it’s more of my family," aniya sa panayam.

Noong Abril 2024, sa panayam ni Ogie Diaz kay Anjo, sinabi ng huli na hindi na raw siya umaasang makababalik pa siya sa noontime show, lalo'y may patakaran daw ito na sa oras na umalis o tinanggal ang isang nagtatrabaho doon, ay hindi na makababalik pa.

“Sa ‘Eat Bulaga’ kasi once wala ka na doon, tinanggal ka or nag-resign ka, wala pa akong kilala na nakabalik kahit gusto nila bumalik. Gano'n ang patakaran ng Eat Bulaga,” saad ni Anjo.

“Kaya no’ng sinabi sa akin: ‘Gusto mo bang bumalik?’ Dati ko pang alam noong nag-resign ako, hindi na ako makakabalik. Although puwede kang mag-guest at habambuhay ka nang Dabarkads,” aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: Anjo Yllana, ‘di na umaasang makakabalik sa Eat Bulaga