Naloka ang mga netizen sa naging sagot ng basketball player at TV personality na si Kobe Paras, nang matanong siya ng isang content creator kung anong sikreto ng height niya.
Noong Oktubre 1 pa ang nabanggit na video na makikita sa Instagram post ng content creator na si "Cruisers" pero patuloy pa rin itong pinag-uusapan, matapos maungkat at gawan ng art card ng isang entertainment news site.
Sa nasabing video, random na tinanong ni Cruisers si Kobe kung anong sikreto niya sa kaniyang "perfect height."
Walang gatol na sagot ni Kobe, "Growie, Cherifer," at J***l."
Ang "Growie" at "Cherifer" ay parehong brands ng vitamin supplements na karaniwang ibinibigay sa mga bata upang makatulong sa paglaki, pagpapalakas ng katawan, at pagpapanatili ng kalusugan.
Ang ikinawindang ng mga netizen ay huling sinagot ni Kobe, na kahit naka-asterisk at hindi binuo ang spelling, ay na-gets ng mga netizen na karaniwang ginagawa sa sarili ng kalalakihan.
Kaya naman, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng IG post:
"OMG Kobe! Haha"
"kobeee!!!!! HAHAHHA"
"Kobe P seems to be a chill dude"
"Parang masarap na tropa si Kobe. Lol"
"Baka need mo ng hehelp sa'yo sa J haha."
"Sarap hahahaha."
NAKAKATANGKAD BA TALAGA ANG PAGBABATE?
Isa sa mga sinasabing paniniwala ng nakararami na nakatutulong daw sa pagtangkad ang madalas na paglululu.
Ayon sa mga espesyalista, bagama't maraming benepisyon sa kalusugan ang masturbation, hindi kasama rito ang epekto sa tangkad ng isang lalaki.
Ilan dito ay ang mga sumusunod:
- Mababawasan ang risk na magkaroon ng prostate cancer
- Makakaiwas sa unwanted pregnancy at sakit na tulad ng HIV at AIDS
- Nakakabawas ng stress
- Nakakatulong sa mabilis na pagtulog
- Nakakatulong para tumagal sa “pakikipagbakbakan” sa kama
KAUGNAY NA BALITA: Mga benepisyo at panganib na dulot ng ‘pagsasariling-sikap’