Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang paraan ng pakikiramay ng TikToClock hosts sa kapuwa host nilang si GMA Network trivia master Kuya Kim Atienza na nawalan ng anak.
Matapos kasi nilang magpaabot ng mensahe at pakikiramay, masigla nilang ipinakilala ang pansamantalang rerelyebo kay Kuya Kim sa naiwan nitong trabaho.
"Mga Tiktropa, mag-ingay para sa ating paboritong mars, Camille Prats!" anila.
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Nobyembre 4, pinagsabihan ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga host ng countdown variety show.
Aniya, “Next time maging aware na tayo, maging alerto na tayo sa ganyang mga proseso lalo na bahagi ng show ang namatayan at tayo e nagko-condole. Next time, ingat-ingat.”
“Pero normal ‘yang mga ganyan. Kung mapapansin mo, mayro’n na talagang mga ganyan like sa ‘It’s Showtime.’ ‘Yong gagawa sila ng ikaka-viral nila,” dugtong pa ni Ogie.
Matatandaang kinumpirma ni Kuya Kim ang pagpanaw ng 19 na taong gulang niyang anak na si Emman Atienza noong Oktubre 24.
Maki-Balita: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza