January 06, 2026

Home SHOWBIZ

'Hindi na nagduduwal, may panlasa na ulit!' Ate Gay, graduate na sa chemotherapy

'Hindi na nagduduwal, may panlasa na ulit!' Ate Gay, graduate na sa chemotherapy
Photo courtesy: Gil Aducal Morales (FB)

Nagbahagi ng magandang balita ang stand-up comedian na si Gil Morales o mas sikat sa tawag na "Ate Gay" kaugnay sa bumubuti niyang kalagayan. 

Ayon sa naging pahayag ni Ate Gay sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Nobyembre 4, sinabi niyang nalampasan na raw niya ang pagduduwal at kawalan ng panlasa.

“Yeheyyy nalagpasan ko ang pagduduwal, walang panlasa,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Gil Aducal Morales (FB)

Photo courtesy: Gil Aducal Morales (FB)

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Pagpapatuloy pa ni Ate Gay, masaya niyang ibinahaging tapos na siya sa pagsailalim sa chemotherapy. 

“[N]ow nakakain na ng bongga. [G]raduate na ako sa chemo. 15 days radiation na lang then immunoTherapy (12 sessions every 21 days),” aniya. 

“Salamat po sa mga Dasal nyo lumalaban ako,” pagtatapos pa ni Ate Gay. 

Dahil dito, tila masaya rin ang netizens sa tuloy-tuloy na paggaling ni Ate Gay. 

Pinaalalahanan nila ang komedyante na magsimula na raw gawin ang malusog na pamumuhay upang hindi na bumalik ang anturang sakit na kaniyang pinagdaanan. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Ate Gay:

“Do not go back to old habits that may have caused your cancer/tumor. Change towards better and healthy lifestyle choices/preference. Praying for your full recovery[...]”

“Thank God! Salamat dahil fighter ka!Maraming salamat po sa mga anghel sa lupa ni Ate Gay! Dasal ko Rin po ang inyong patuloy na magandang mga kalagayan!” 

“Avoid unhealthy stressors. Do mindfulness breathing techniques when you’re stressed out. Praying for your substantial recovery.” 

“Healthy foods po tpos bawal na po muna sa fast foods konting tiis po lamang gang sa lumakas po- experienced from my mother po died bcoz of complications due to breast cancer, cervical cancer then liver cancer.” 

“Ganyan nga!... Laban lang…” 

“Magpahinga ka kapatid medyo hihina ang iyong pandinig sa radiation ganyan kasi case ng kaibigan ko buti naagapan siya.” 

“Amazing the Power of Prayer and love of God can do! So happy for you Gil Aducal Morales!!!”

Matatandaang ibinahagi ng kapuwa komedyante at TV host ni Ate Gay na si Allan K sa isang event noon ang mga nais niyang ipabatid sa publiko kaugnay sa malubhang sakit na kaniyang nilalaban. 

MAKI-BALITA: 'Gusto ko pang mabuhay!' Ate Gay, lumalaban sa malubhang sakit

“Noon pa man, gusto ko nang magpa-benefit show, siya lang ang ayaw. Ayaw niyang makaistorbo ng tao. Ayaw niyang nanghihingi sa tao, ganyan si Ate Gay, matibay siya, matatag yan. Nag-iisa sa buhay pero lumalaban,” pagbabahagi ni Allan sa kanilang event noong Setyembre 20, 2025. 

“Ito ‘yong sakit niya, mild pallid tumor[...] mucoepidermoid cancer versus squamous cell carcinoma. So, inisip ko, ano kaya ‘to? Ano kaya itong sakit na ito? Tanong ako nang tanong, wala naman akong mapagtanungan,” ayon pa kay Allan.

MAKI-BALITA: Bukol sa leeg ni Ate Gay, mabilis ang pagliit: 'In 3 days, 10cm naging 8.5!'

MAKI-BALITA: 'May himala!' Bukol ni Ate Gay sa leeg, umimpis na

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita