December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

DTI, tiniyak na walang pagtataas ng presyo sa basic necessities sa Western Visayas

DTI, tiniyak na walang pagtataas ng presyo sa basic necessities sa Western Visayas
Photo courtesy: PRC (FB), MB

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi magtataas ang presyo ng mga supply at basic necessities sa mga probinsya sa Western Visayas sa kabila ng hagupit ng bagyong “Tino.”

“The Department of Trade and Industry Region 6 ensures the prices and supply of basic necessities and prime commodities across Western Visayas remain stable despite the impact of Typhoon Tino,” pahayag ng ahensya nitong Martes, Nobyembre 4. 

Binanggit din ng DTI na naka-monitor ang kanilang field offices sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental sa mga supermarket, grocery store, at iba pang retail establishment para matiyak ang mga sumusunod: 

- Sapat na stock ng mga pangunahing pangangailangan. 

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

- Pagsunod ng mga presyo sa Suggested Retail Prices (SRPs). 

- Walang overpricing, hoarding, o iba pang hindi tamang paraan ng pagbebenta. 

Bukod pa rito, nakikipagtulungan din ang DTI sa mga manufacturer, distributor, at local retailer sa pagpapanatili ng sapat na suplay sa mga inventory sa rehiyon. 

Inabisuhan din ng DTI ang mga consumer na iwasan ang panic buying at bilhin lamang ang mga sapat na pangangailangan para maiwasan ang mabilis na pagkaubos ng mga suplay sa mga tindahan. 

“We remind consumers to avoid panic buying as buying more than what is needed can disrupt supply flow and create unnecessary pressure on the market,” abiso ng ahensya. 

“Let us practice responsible purchasing to make sure supplies remain available for everyone, especially during emergencies,” dagdag pa nito. 

Photo courtesy: PNA (FB)

Sean Antonio/BALITA