December 15, 2025

Home BALITA National

CHED, iginiit pagpapataw ng cease and desist order sa diploma mills

CHED, iginiit pagpapataw ng cease and desist order sa diploma mills
Photo Courtesy: CHED (FB), Freepik

Binigyang-diin ng Commission on Higher Education (CHED) ang pangangailangang mapatawan ng Cease and Desist Order at administrative sanctions ang mga diploma mills na nagbibigay ng mababang kalidad ng edukasyon.

Sa latest Facebook post ng CHED nitong Martes, Nobyembre 4, sinabi nilang nakatanggap na umano sila ng mga ulat kaugnay sa mga institusyong nagpapatakbo umano bilang diploma mills.

“These entities are reportedly offering below minimum quality graduate education program standards and/or advertising online or distance graduate degree programs without obtaining the proper authority or recognition from CHED,” saad ng komisyon.

Kaya nagpaalala ang CHED sa publiko na ang mga Higher Education Institutions (HEIs) lamang na ginawaran ng mga kinakailangan permit ang awtorisadong magbigay ng graduate programs.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Dagdag pa nila, “Any HEI found operating as a ‘diploma mill’ or offering unrecognized programs shall be subjected to a Cease and Desist Order and administrative sanctions, which may include fines, program closure, suspension, downgrading of status, or revocation of the institution’s permit or recognition.” 

Matatandaang umapela kamakailan si Senador Win Gatchalian sa CHED para mapanagot ang mga diploma mill na nananamantala sa mga gurong nangangailangan ng promosyon sa trabaho.

Maki-Balita: Sen. Win Gatchalian, binira mga mapagsamantalang diploma mill

Samantala, inugat naman ni ACT-NCR Union chairperson Ruby Bernardo ang dahilan kung bakit may mga gurong kumakapit sa diploma mills.

Aniya, “‘Yong mga polisiya ninyo ay nanghihingi ng sandamakmak na papel sa guro pero barya-barya naman ang dagdag na sahod at benepisyo.”

“Pahirapan pa rin naman ang promosyon kahit sa Expanded Career Progression (ECP), hindi rin sapat ang suporta para sa post-graduate degree,” dugtong pa ni Bernardo.

Kaya naman hinamon niya ang mga opisyal na isabatas ang Free Post-Graduate Bill at ipatupad ang promosyong hindi lang nakabatay sa papel kundi sa serbisyo.