December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Buti na lang na-evacuate agad si Inay!' Lumang bahay ni Miss Catering, nabagsakan ng puno ng niyog

'Buti na lang na-evacuate agad si Inay!' Lumang bahay ni Miss Catering, nabagsakan ng puno ng niyog
Photo courtesy: Miss Catering Official (FB)

Hindi nakaligtas sa bagsik ng Bagyong Tino ang lumang bahay ng social media personality na si Miss Catering, matapos itong mabagsakan ng puno ng niyog nitong Martes, Nobyembre 4.

Sa isang Facebook post na agad nag-viral sa social media, ibinahagi ni Miss Catering ang takot at pasasalamat matapos ang nangyari.

Ipinagpasalamat na lamang ni Miss Catering na nailikas agad nila ang kaniyang ina, at nadala sa kanilang bagong bahay.

“Mabuti na lang na-evacuate si Inay sa bago naming bahay, kung hindi baka mabagsakan siya ng puno ng niyog malapit sa kwarto ko. Baka hindi na siya makalipad,” ani Miss Catering sa kaniyang post. “Keep safe everyone,” dagdag pa niya, sabay paalala sa kaniyang mga tagahanga na manatiling alerto sa gitna ng kalamidad.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Sa isa pang video ay nagawa pang magpatawa ni Miss Catering hinggil dito.

"Mabuti na lang maaga pa lang pina-evacuate namin si Inay. Pinalipad namin siya doon sa bagong bahay namin. Kung hindi siya nag-evacuate, baka nabagsakan siya ng niyog. Madudurog 'yong katawan niya, mahahati. Hindi na siya makakalipad tuwing alas dose, kasi mababagsakan siya ng landingan niya, 'yong puno ng niyog diyan, landingan niya 'yan."

"Kaya keep safe everyone, mabuti na lang at safe ang family ko, kompleto pa, naka-inventory."

May mensahe naman siya sa mga "kurakot" na politiko.

"Oras na para bawasan n'yo 'yong mga ninakaw n'yo. Magbigay naman kayo ng relief doon po sa mga naapektuhan ng bagyo. Ito na ang tamang panahon at oras para i-share n'yo ang blessing," aniya pa.