December 13, 2025

Home BALITA

Bagyo sa labas ng PAR, may tsansang maging super typhoon?

Bagyo sa labas ng PAR, may tsansang maging super typhoon?
DOST-PAGASA

Bagama't malayo pa at wala pang direktang epekto sa Pilipinas, nagbigay ng paunang babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) patungkol sa bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Matatandaang naging ganap na bagyo ang LPA sa labas ng PAR kaninang 8:00 AM, ngayong Martes, Nobyembre 4,

Maki-Balita: LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo!

Sa 11:00 AM weather bulletin ng PAGASA, nasa 1,985 kilometers East of Northeastern Mindanao ang tropical depression.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, lalakas ang bagyo bilang "typhoon" sa Huwebes, Nobyembre 6. Posibleng pumasok sa PAR ang bagyo sa Biyernes ng gabi (Nobyembre 7) o sa Sabado ng umaga (Nobyembre 8) at papangalanan itong bagyong "Uwan," ang ikalawang bagyo ngayong buwan.

At posible pa raw itong umabot sa "super typhoon category" sa weekend.

Dagdag pa ng ahensya, posible pang magbago ang weather forecast.

"Although not yet within the forecast range of this advisory, TC Threat Potential Forecast from PAGASA indicates that the possibility of a landfall scenario over the country is becoming more likely. However, the exact landfall location and time remains highly uncertain, considering that the forecast is more than five days ahead," anang PAGASA.