Ibinahagi sa publiko ni Atty. Jesus Falcis III ang nakarating umanong balita sa kaniya mula sa isang “tweety bird” tungkol umano sa ikakasang tatlong araw na kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) mula sa darating na Nobyembre 16, 2025.
Ayon sa ibinahaging post ni Falcis sa kaniyang Facebook nitong Martes, Nobyembre 4, makikita ang liham na ipinadala ng INC kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
“Iglesia ni Cristo (Church of Christ) respectfully seeks the approval and assistance of the Quezon City Government for the conduct of a Peaceful Rally for Transparency to be held on[...] November 16-18,” mababasa sa nasabing liham.
Photo courtesy: Jesus Falcis (FB)
Layunin umano ng ikakasa nilang kilos-protesta sa People Power Monument Area, White Plains, QC, na makapagpulong nang payapa at isulong ang “transparency” at pananagutan sa usaping panlipunan.
“The activity will be a peaceful and orderly public assembly, intended to promote transparency and accountability in government and society. The Iglesia ni Cristo leadership gives its full commitment that the rally will be conducted in accordance with law, public order, and respect for local regulations,” anila.
Ayon naman kay Falcis, “Anti political dynasty? FOI? Abolition of bank secrecy? Live streaming of ICI hearings? Lahat naman yan pinapanawagan na at included sa November 30 rally. Oh well, baka gusto nila ng sariling ganap.”
Inaasahang aabot daw sa 300,000 ang kabuuang bilang ng mga dadalo sa nasabing kilos-protesta mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.
Samantala, wala pa naman mismong kumpirmasyon sa INC kung totoo ang naturang post at hindi pa rin naglalabas ng pahayag sa kanilang pagkumpirma sa nasabing kilos-protesta ang tanggapan ng Quezon City Government.
Mc Vincent Mirabuna/Balita