Hindi dahil sexually active ang isang lalaki ay healthy na ang inilalabas nitong semilya, mas mabuti pa rin na i-check kung normal ba ang kulay ng semilyang inilalabas.
Ang semilya, o tamod kung tawagin ng karamihan, ay likido na inilalabas ng isang lalaki kapag nagsasarili o nakikipagtalik. Nakatutulong itong maprotektahan at dalhin ang mga male reproductive cells o sperm cells.
Ayon sa isang medical website na Healthline.com, ang karaniwang kulay at healthy na semilya ay "clear, white, o slightly gray."
Kung "dilaw" na semilya naman ang inilalabas ng lalaki, hindi man ito dapat ipag-alala ngunit ito ay maaaring magpahiwatig ng problema na kinakailangan ng atensyong medikal.
POSIBLENG SANHI NG DILAW NA SEMILYA
EDAD
Ayon sa medical website na Cleveland Clinic, maaaring sanhi ng pagkadilaw ng semilya ang "edad" ng isang tao. Habang tumatanda raw ang isang lalaki, normal na magkaroon ng pagbabago sa kulay ng semilya. Puwede raw ito maging "light yellow."
ABSTINENCE
Kung hindi nag-eengage sa pakikipagtalik o sex at pagsasarili ang isang lalaki, maaari daw maging dilaw ang semilya dahil posibleng mag-break down ang "old o unused sperm" at ire-reabsorb ng katawan.
PANINIGARILYO
Bukod sa epekto nito sa ibang bahagi ng katawan, puwede ring maging sanhi ng pagkadilaw ng semilya ang paninigarilyo dahil sa "nicotine" at "tar" na nakalagay sa mga sigarilyo at iba pang tobacco products.
GAMOT O SUPPLEMENTS
Kung umiinom ng gamot at supplements, gaya ng vitamins, posible ring gawin ng mga ito na maging dilaw ang semilya.
MGA SAKIT NA PUWEDENG MAGING SANHI NG PAGKAKAROON NG DILAW NA SEMILYA
Ayon sa Healthline, may ilang mga sakit na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng dilaw na semilya.
- Urinary Tract Infection (UTI)
- Benign prostatic hyperplasia
- Bladder obstruction
- Prostate infection
- Leukocytospermia
- Jaundice
- Sexually transmitted infections (STIs)
- Pyospermia
PAANO MAIIWASAN ANG DILAW NA SEMILYA?
Kung nakapaglalabas na ng dilaw na semilya o hindi kaya'y gustong maiwasan ito, narito ang ilang tips.
1. MAAYOS NA TIMBANG
Mahalaga na magkaroon ng maayos at normal na timbang ang isang lalaki. Dahil kapag tumataas ang body mass index (BMI) ay posibleng mabawasan ang sperm count at sperm movement, ayon sa medical website na Mayoclinic.
2. MAGSUOT NG CONDOM
Dahil isa ang sexually transmitted infections (STIs) sa sanhi ng pagkakadilaw ng semilya, nararapat na magsuot ng condom kapag nakikipagtalik lalo kung sexually actve.
3. BAWASAN O IWASAN ANG STRESS
Importante na ma-manage ang stress. Dahil kapag sobrang stress ng isang tao bumababa ang abilidad nito na makipag-sex at posibleng magkaroon ito ng impact sa hormones na kailangan ng katawan para makapaglabas ng healthy sperm.
4. HUWAG MANIGARILYO
5. LIMITAHAN ANG ALAK
6. KUMAIN NG HEALTHY FOODS
Maki-Balita: ALAMIN: Mga pagkaing makakatulong para makapagpalabas ng maraming ‘katas’
KAUGNAY NA BALITA: Ayon sa isang artikulo ng WebMD, lumalabas umano sa mga pag-aaral na ang mga lalaking nagbabate ng 21 beses kada buwan ay may mababang risk na magkaroon ng prostate cancer kumpara sa kalalakihang apat o pitong beses lang itong ginagawa sa isang buwan.
Maki-Balita: ALAMIN: Pagbabate nang 21 beses kada buwan, makakatulong iwasan ang prostate cancer?