Nagbigay ng payo si Unkabogable Star at “It’s Showtime” host Vice Ganda sa kapuwa niya LGBTQIA+ member na si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer Esnyr Ranollo.
Sa latest episode ng vlog ni Vice noong Linggo, Nobyembre 2, tampok ang pagdiriwang ng ikapitong anibersaryo ng relasyon nila ng jowa niyang si Ion Perez.
At sa isang bahagi nito ay ipinalabas ang mga ipinadalang video tape recorder para magbigay ng message at magtanong sa nagse-celebrate na celebrity couple.
Isa sa mga nagpadala ay si Esnyr. Humingi siya ng payo kay Vice kung paano magkaroon ng happy, matatag, at matagal na relasyon.
“Bilang isang member ng LGBTQIA+ community…. I am longing for a long-term relationship. What is your advice para sa isang happy, matatag, at matagal na relasyon?” saad ni Esnyr.
“Alam mo nakakatuwa,” sagot ni Vice, “kasi may ganito tayong epekto sa kanila. Kasi mayro’n akong isang friend dati na no’ng bago-bago pa lang tayo, naiinis daw siya kasi dahil sa nangyayari sa atin, maraming baklang umaasa at masasaktan kasi hindi naman daw sila makakahanap.”
“Jinudge na niya ‘yong relationship namin na ‘Ngayon lang ‘yan. Bago lang ‘yan. Pero hindi ‘yan magtatagal nang matagal na matagal.’ [...] Kahit ako naman, e, ‘di ba. Parang i-try natin ‘to, i-enjoy natin, i-embrace natin ang isa’t isa. Bahala na bukas, bahala na si Lord,” dugtong pa niya.
Kaya payo ng Unkabogable Star kay Esnyr, “You just wait. Huwag mong ipilit. It is going to happen in due time. You just have to wait. And while waiting, enjoy your life. Gawin mo ang dapat mong gawin sa buhay.”
Tila going strong talaga ang relasyon nina Vice at Ion. Matatandaang noong pumasok ang 2024 ay nangako pa sila sa isa’t isa na sasagarin ang kanilang pagmamahalan hanggang 2090.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion Perez sasagarin pagmamahalan hanggang 2090