January 26, 2026

Home BALITA

Video ng fast-food crew na pinagbilang ng tiles ng manager, binakbakan ng netizens!

Video ng fast-food crew na pinagbilang ng tiles ng manager, binakbakan ng netizens!
Photo courtesy: Contributed photo

Usap-usapan sa social media ang kakaibang inventory na pinagawa umano ng isang manager sa isang kilalang fast-food crew.

Batay sa nagkalat na video sa social media, mapapanood ang nakayuko na fast-food crew sa oras ng kaniyang trabaho habang ang iba naman niyang kasamahan ay abala sa counter. Napag-alamang inutusan umano ng manaer ang naturang crew na bilangin ang tiles sa sahig bilang parte raw ng kaniyang inventory.

“POV: First time ng crew mo mag-inventory kaya pinagbilang mo ng tiles” saad ng text caption sa video.

Nanggaling ang nasabing video sa isang TikTok user na “Jessica May Peralta” na ngayon ay hindi na mahanap ang account mula sa nasabing platform.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Isang TikTok content creator din na si “Deejimon TV” ang naglabas ng video kung saan ibinahagi niya ang umano’y personal message sa kaniya ng nagpakilalang manager ng naturang fast-food chain.

Ayon kay Deejimon TV, si Jessica lang daw ang aksidenteng nakapag-upload ng video sa TikTok ngunit hindi si Jessica ang manager. Ibinahagi rin nito na maayos daw silang nakapag-usap at nakapag-ayos ng crew na pinagbilang niya ng tiles.

Bunsod nito, mabilis pa ring bumaha sa social media platforms ang sentimyento ng ilang netizens.

“Ang lala ng power tripping nung manager!”

“Dapat ipabilang din sa manager yung piraso ng bawat french fries!”

“Auto sibak na dapat ‘yang ganiyan.”

“Dito mo makikita yung sobrang toxic culture sa ganitong fast food chains eh.”

“Yung manager astang siya ang may ari.”

“Ikulong sa freezer yung manager.”

“Power tripping si maam, dapat magtraining ka ulit maam yung "how to be a good leader not a boss".

“Eto yung manager na makikita mo na lang isang araw sa damuhan na naagnas.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na opisyal na statement ang pamunuan ng nasabing fast-food chain. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.