December 13, 2025

Home BALITA

'Tino,' mas lalakas bilang 'typhoon'; wind signal no. 3, nakataas sa ilang lugar

'Tino,' mas lalakas bilang 'typhoon'; wind signal no. 3, nakataas sa ilang lugar
DOST-PAGASA

Habang papalapit sa kalupaan, inaasahang lalakas bilang "typhoon" category ang severe tropical storm "Tino," ayon sa PAGASA. 

Sa weather bulletin ngayong 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Nobyembre 3, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 360 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour at pagbugsong 135 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-west southwestward sa bilis na 25 kilometers per hour.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa PAGASA, patuloy na gagalaw pakanluran ang bagyo at magla-landfall ito sa southern portion ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte o Dinagat Islands sa Martes ng madaling araw o umaga, Nobyembre 4. 

Pagkatapos ng landfall, tatawirin ni "Tino" ang kabisayaan at Northern Palawan sa Miyerkules ng umaga o hapon, Nobyembre 5, hanggang sa makarating ito sa West Philippine Sea. 

Kasalukuyang nakataas ang mga wind signal sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL NO. 3
Visayas:

Southeastern portion ng Eastern Samar

Mindanao:
Dinagat Islands
Siargao
Bucas Grande Islands

SIGNAL NO. 2
Visayas: 
Central at southern portion ng Eastern Samar
Central at southern portion ng Samar
Leyte
Biliran
Southern Leyte
Bohol
Northern at central portions ng Cebu kabilang ang bantayan Islands at Camotes Islands
Northeastern portion ng Negros Occidental

Mindanao:
Surigao del Norte
Northern portion ng Surigao del Sur
Northeastern portion ng Agusan del Norte

SIGNAL NO. 1
Luzon:
Sorsogon
Masbate kabilang ang Ticao at Burias Island
Albay
Southern portion ng Marinduque
Romblon
Central at southern portion ng Oriental Mindoro
Central at southern portion ng Occidental Mindoro
Cuyo Islands
Calamian Islands

Visayas:
Northern Samar
Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
Nalalabing bahagi ng Samar
Nalalabing bahagi ng Cebu
Siquijor
Negros Oriental
Nalalabing bahagi ng Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique kabilang ang Caluya Islands

MIndanao:
Nalalabing bahagi ng Surigao del Sur
Northern at central portion ng Agusan del Sur
Nalalabing bahagi ng Agusan del Norte
Camiguin
Misamis Oriental
Northern portion ng Bukidnon

Samantala, hindi pa rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na itaas sa wind signal no. 4 ang ilang lugar sa bansa.