December 15, 2025

Home FEATURES Trending

‘The concert was an entire experience!’ Fans ni Jackson Wang, super enjoy sa MAGICMAN 2 World Tour sa Manila

‘The concert was an entire experience!’ Fans ni Jackson Wang, super enjoy sa MAGICMAN 2 World Tour sa Manila
Photo courtesy: Jackson Wang (FB)

Naki-party at dinagsa ng libo-libong fans ng rising global star, singer-songwriter, at rapper na si Jackson Wang ang kaniyang MAGICMAN 2 World Tour sa Smart Araneta Coliseum concert noong Linggo, Nobyembre 2. 

Solid ang naging saya ng mga Ahgase at Team Jacky sa halos tatlong oras na performance ni Jackson mula sa kaniyang MAGICMAN 2 Album, na bukod sa kaniyang mga solo, nagtawag pa ang singer ng ilang Pinay sa audience para samahan siya sa entablado.

Ang performance act na ito ay para sa kaniyang kantang “Access.” 

Bilang encore naman, nagkaroon ng tila isang “mini rave party” sa Araneta, kung saan, inikot pa ni Jackson ang concert grounds para makihalubilo sa kaniyang fans. 

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Kaya paglabas sa concert hall, makikita na mataas pa rin ang excitement ng kaniyang fans. 

“Best day of my life talaga and best way to start November!” 

“It’s like a party talaga, Jackson Wang Party! Vibes lang.” 

“It was so fun! Jackson was so good, from the MAGICMAN to the album, everything was so perfect!” 

“It was insane! The performance was an entire experience, and it was an amazing message that Jackson tells us to find and live the magic.”

Makikita rin na bukod sa kabataan, may iilan ding mas nakatatandang fans si Jackson na nakipagsabayan sa enerhiya ng MAGICMAN 2 Manila. 

Isa rito ay sina Melissa na 46 taong gulang at si Marga na 40 taong gulang, na ayon sa kanila, ay naging malaking tulong ang mga kanta ni Jackson para malagpasan nila ang araw-araw na stress sa kanilang trabaho.

“I'm tired but I’m happy, and I’m happy that he came back,” saad ni Melissa nang tanungin sa kanilang concert experience. 

Binanggit din niya na naging fan na siya ng singer mula pa 2014, habang si Marga naman ay 2016, mula pa sa GOT7 promotions ni Jackson. 

Kasama rin sa pinuri ng ilang fans ay ang emosyon na ibinuhos ng singer sa kaniyang mga kanta. 

‘Yong creativity ni Jackson, na-showcase ‘yong personality niya talaga. Kasi as a fan of 10 years, you have known Jackson talaga, makikita mo kung sino siya throughout that progress.”

“Watching this concert is not just a concert, it’s a whole theater production. Sobrang ganda ng production, storyline, at ng acting. Mas lalo naming minamahal si Jackson because he shows us na he’s this type of artist. He gives back.” 

Si Jackson ay parte rin ng K-pop boy band na GOT7 na nag-debut noong 2014, kung saan siya ang lead rapper, lead singer, at sub-vocalist. 

Bago rin pumasok sa mundo ng entertainment, siya ay nag-train bilang Olympic fencer. 

Sean Antonio/BALITA