December 13, 2025

Home BALITA National

Tataas na naman! Pagtaas ng presyo ng petrolyo, asahan sa Nov. 4

Tataas na naman! Pagtaas ng presyo ng petrolyo, asahan sa Nov. 4
GAS (MB FILE PHOTO)

Tila muling aaray ang mga motorista dahil sa panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Nobyembre 4.

Ayon sa abiso ng iba't ibang fuel retailers gaya ng SeaOil, Chevron Philippines Inc. o Caltex, at Shell Pilipinas Corp., sinabi nilang papalo sa ₱2.70 kada litro ang presyo ng diesel, habang ₱2.10 kada litro ang kerosene at ₱1.70 naman ang kada litro ng gasolina.

Matatandaang noong nakaraang linggo ang presyo ng kada litro diesel ay ₱2.00; kerosene, ₱1.70; at gasolina, ₱1.20. 

Magsisimula ang pagtaas ng presyo bukas, Martes, Nobyembre 4, simula 6:00 AM. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes