December 13, 2025

Home BALITA

Rep. Cendaña sa pagpapatawag ng MTRCB sa Viva: 'They shouldn't respond with power tripping'

Rep. Cendaña sa pagpapatawag ng MTRCB sa Viva: 'They shouldn't respond with power tripping'
Photo courtesy: Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña (FB), BALITA FILE PHOTO

Naglabas ng pahayag si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kaugnay sa umano’y pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Viva Communications, Inc. 

Matapos ito sa isang pangyayaring pinagmumura ng ‘di pinangalanang content creator ang MTRCB nang bigyan nila ng “X” rating ang “Dreamboi,” isang pelikulang nagtatampok sa kuwento ng isang transwoman.

MAKI-BALITA: MTRCB, pinatawag Viva dahil sa pagmumura ng 'di pinangalanang content creator

Ayon sa naging post ni Cendaña sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Nobyembre 3, sinabi niyang hindi raw umano gamitin ng isang public official ang kapangyarihan nila kapag nakatanggap ng anomang puna. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“When public officials are criticized, they shouldn't respond with power tripping. Makinig at umunawa,” pagsisimula ni Cendaña sa kaniyang caption. 

Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña (FB)

Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña (FB)

Pagpapatuloy pa Cendaña, mahusay umano ang pagbuo ng pelikulang “Dreamboi” para tumaliwas sa matagal naratibo tungkol sa mga Queer. 

“Queer narratives have long been dismissed as promiscuous. The Dreamboi team did an excellent job in flipping this script,” saad niya. 

“Para sa totoong malaya at makulay na sining,” pagtatapos pa ni Cendaña. 

Matatandaang nauna nang ipinatawag ng MTRCB ang Viva Communication, Inc., dahil umano sa kamakailang pagmumura ng hindi nila pinangalanang content creator sa kanila. 

Ayon ito sa inilabas na pahayag ng MTRCB noong Oktubre 31, 2025.

MAKI-BALITA: MTRCB, pinatawag Viva dahil sa pagmumura ng 'di pinangalanang content creator

“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has summoned Viva Communications, Inc. to a dialogue following the circulation of a viral video showing one of its content creators uttering profane remarks directed at the agency during the premiere of Dreamboi, an official entry to the CineSilip Film Festival 2025[...]” anila.

“The meeting on November 4, is intended to serve as a venue for constructive discussion and to reinforce the importance of professionalism and accountability within the entertainment industry,” pagtatapos pa nila.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz tumalak kay Sassa Gurl matapos murahin MTRCB: 'Di puwedeng daanin sa gano'n!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita