Ilang araw matapos ang bakbakang nagpayanig sa Thrilla in Manila II na nagtapos noong Oktubre 30, 2025— tilang may iilang hindi pa rin nakakalimot sa isang boksingerong gumawa ng ingay sa boxing ring.
Sa pamamagitan ng unanimous decision sa lightweight division sa loob ng 6 rounds, nagawang masungkit ng anak ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao na si Eman Bacosa Pacquiao ang panalo kontra sa pambato ng Bohol na si Nico Salado.
KAUGNAY NA BALITA: 'Mana sa ama!' Anak ni Manny Pacquiao, wagi sa Thrilla in Manila 2
Subalit, tila hindi lamang ang panalo ang nasungkit ni Eman, dahil hanggang ngayon ay tila malagkit pa rin ang tingin sa kaniya ng ilang netizens.
Nananatili pa ring viral ang ilang clips at litrato ni Eman sa Thrilla in Manila II kung saan maingay na pinagpipiyestahan ng netizens ang kanila raw pantasya sa batang boksingero.
Narito ang ilang mga kakatwang komento ng netizens:
“Parang ayaw ko cya masaktan, kahit ako na lang.”
“Nasa poque ko ang boxing ring.”
“Suntukin mo na lang ako ng pagmamahal mo baby.”
“Baka pwedeng palahian na rin ako?”
“I nominate myself to be the next Jinkee Pacquiao.”
“Ang clingy nya huhu sana ako na lang jowa niya.”
“Siya ang patunay na kaya ring makipagbasagan ng bungo ang mga gwapo.”
Si Emman ay anak ni Pacman sa isang babaeng nagngangalang Joanna Bacosa na nakarelasyon niya noong 2003. Habang noong 2004 naman nang isilang niya si Eman.