December 13, 2025

Home BALITA Politics

Padilla, mas bet si Lacson sa Blue Ribbon kaysa mga senador ‘na lantaran ang kulay ng pulitika’

Padilla, mas bet si Lacson sa Blue Ribbon kaysa mga senador ‘na lantaran ang kulay ng pulitika’
Photo Courtesy: Robin Padilla, Ping Lacson (FB)

Naghayag ng suporta si Senador Robin Padilla sa kapuwa niya Senador na si Ping Lacson para sa pagbabalik nito bilang chairperson ng Blue Ribbon Committee.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 3, sinabi niyang bagama’t si Senador Rodante Marcoleta ang gustong humawak ng minority bloc sa nasabing komite, wala umano silang kapangyarihang magtalaga ng mamumuno.

“Manalig po muna tayo sa magiging muling takbo ng pamumuno ni Senator Panfilo Lacson,” saad ni Padilla.

Dagdag pa niya, “Magpasalamat na rin po tayo at siya ang muling tagapangulo ng komite ng blue ribbon mula sa Majority bloc, kesa po sa ibang mga senador na batid natin at lantaran ang kulay ng pulitika, na maaring pagmulan ng mas mainit na palitan ng mga putik na mas magbabaon sa Senado sa kumunoy.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang inihayag kamakailan ni Lacson na bukas siya sa posibilidad na gampanang muli ang Blue Ribbon Committee sakaling mahalal sa Nobyembre 10.

Nakatakdang ipagpatuloy ng Senado ang naudlot na pagdinig kaugnay sa isyu ng flood control projects sa darating na Nobyembre 14.

Maki-Balita: ‘If elected again!’ Lacson, raratsada sa Senate probe ng flood control issue kung iboboto ulit bilang Blue Ribbon chair