Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa bagets na naiintrigang bagong jowa umano ni Kapamilya actor Enrique Gil.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi niyang dapat pangaralan ng nanay ng bagets ang anak nito at pagsabihan din si Enrique na doble ang agwat ng edad niya sa bata.
“Dapat talaga pangaralan na lang ang nanay o ialerto na lang si Enriqe na 17 years old ito. May mga ganyan naman, ‘di ba? Nagkataon lang na artista si Enrique. ‘Yong iba naman talaga mayro’n din. Mga politiko pa nga,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Wala namang problema do’n. Basta nirerespeto ni Enrique ‘yong babae. Ni hindi pa nga umaamin ‘yong dalawa kung sila na ‘di ba. [...] Hayaan natin silang magsalita.”
Naniniwala rin umano ang showbiz insider na nakasalalay umano sa mga babae kung gugustuhin nila ang mga tulad ni Enrique na malayo ang agwat sa kanilang edad.
“Kahit nga kung may mangyayari o wala, nasa babae ‘yan,” aniya.
Matatandaang mahigit isang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ma-link din si Enrique sa dating Pinoy Big Brother housemate-beauty queen na si Frank Russell.
Ito ay matapos silang maispatang magkasama sa isang beach resort.
Maki-Balita: May something ba? Enrique Gil at Franki Russell, naispatang magkasama sa Bohol
Si Enrique ang dating karelasyon at ka-loveteam ng alaga ni Ogie na si Liza Soberano.
KAUGNAY NA BALITA: ‘He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!