Sinabi ng Kapuso star at "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" Second Big Placer na si Will Ashley na posible siyang kumonsulta sa mga abogado kung hindi pa rin titigil ang hate comments at direct messages ng bashers at detractors laban sa kaniya.
Sa X post ni Will nitong Lunes, Nobyembre 3, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe sa kaniya ng basher kung saan minura siya at dinamay pa ang nanay niya, na tinawag na "pangit."
Ayon kay Will, hindi niya maintindihan kung bakit umaabot na sa ganitong sukdulang "galit" ang mga natatanggap niya mula sa bashers. Aniya, wala silang ninanakaw, sinasaktan, o tinatapakang tao. O baka naman talagang "masamang tao" ang mga gumagawa nito sa kaniya.
"I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week? We are just doing our job, working for our craft, our art - bakit kailangan itapon natin ang morality? O baka sadyang masama lang talaga kayong tao and can't wait to wish ill on others. Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko. Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art," aniya.
Bukod dito, ipinagtanggol din ni Will ang mga kaibigang nadadamay o pinapaulanan din ng hate comments, partikular, sa mga nakasaman celebrity housemates sa PBB. Ipinagdiinan din ni Will na totoo ang pagkakaibgang nabuo sa kanila sa loob ng Bahay ni Kuya.
"Also, my friends know better than you. Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nadadrag ng walang dahilan. And this isn't just happening to me, pati sa ibang housemates. We built a strong bond in the house, hindi nyo ito masisira. Not everything we do is a calculated PR move, we are humans too. 4 months kaming magkakasama, supporting each other every day through some of the toughest days of our lives, so obviously close talaga kami. Sana all the fans, including the very few of mine na gumagawa nito, let's tone it down please. Lahat kami we are just working for our dreams. Lahat kami mahal ang trabaho namin," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Will Ashley/X
Kaya naman banta niya sa haters at bashers, "I am consulting now for legal options in case this doesn't stop. I don't want to tolerate this hate anymore na ibinabato nyo sa kahit sino."
"Not me, not my friends and especially not my family. This is not a good use of our limited time on earth. Sana use your time to spread love, positivity and support."
Pasasalamat naman niya sa fans at supporters, "Lastly, thank you to my fans who fight for me kahit minsan mahirap. Maraming salamat sa pagsama pa rin sa akin sa journey ko, kayo ang lakas ko. Know I appreciate you all and mahal ko kayong lahat."
Photo courtesy: Screenshot from Will Ashley/X