December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Matapos matalo sa eleksyon: Willie Revillame, eeksena ulit sa bagong game show?

Matapos matalo sa eleksyon: Willie Revillame, eeksena ulit sa bagong game show?
Photo courtesy: Willie Revillame, Wowowin (FB)

Mukhang balik-game show host ulit ang natalong senatorial candidate na si Willie Revillame matapos maglabas ng teaser video ang "Wowowin" Facebook page kamakailan.

Mababasa sa caption ng post, "Sa bawat letra at kulay, may swerteng magpapabago ng buhay!"

"ARAW-ARAW may magiging milyonaryo sa WILYONARYO!"

Hindi naman nabanggit sa post kung segment ito ng "Wil To Win" ni Willie sa TV5, bagong pangalan lang o rebranding lang, o talagang bagong show.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Marami naman sa mga netizen ang nasasabik na sa muling pagbabalik ni Willie. Matatandaang nahinto si Willie sa hosting ng Wil To Win matapos ang pagtakbo niya bilang senador sa National and Local Elections (NLE) noong Mayo 2025, subalit sa kasamaang-palad, ay hindi siya nanalo.

Pabor naman ang mga netizen sa tila "rebranding" ng show, kung ito na nga ang ipapalit sa Wil To Win, matapos magkaroon ng negatibong imahe ang nabanggit na show dahil sa paninita on-air ni Willie sa co-hosts, staff, at crew ng nabanggit na show.

KAUGNAY NA BALITA: Co-hosts ni Willie unti-unting nalalagas sa Wil To Win, nangangamoy-reformat?

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Willie o sa pamunuan ng TV5 tungkol dito.