Usap-usapan ng mga netizen ang Instagram post ng singer na si Jason Marvin Hernandez kung saan makikita ang isang babaeng kasama niya, na ipinagpalagay ng mga netizen, ay bagong karelasyon niya.
Oktubre 28 nang ibahagi ni Jason ang ilang mga larawan kasama ang nabanggit na babae habang nasa Australia, na hindi naman niya tinukoy ang pangalan.
"Land down under [Australian flag emoji]," mababasa sa caption.
Dinumog naman ng mga netizen ang comment section ng post. May mga nagtanong sa kaniya kung sino ang babaeng kasama niya, at may mga nagsabi pang parang kamukha rin ng estranged wife niyang si Moira Dela Torre ang naturang bebot.
"Masaya ako para sayo."
"The reveal."
"so happy for you Jason"
"kala ko si M hehe may similarities"
"Bat kamukha din ni Moira"
"so happy for you sir. Hope may new songs ka na rin i reveal hehe"
Samantala, hindi naman sumagot si Jason sa mga komento ng netizens sa post niya.
Matatandaang naghiwalay sina Moira at Jason noong 2022 matapos ang kanilang tatlong taong married life.
Bandang 2023 nang mag-flex si Jason ng larawan kasama ang isang babae. Hindi naman sure kung ang babaeng iyon din ang kasama niya sa Australia.
KAUGNAY NA BALITA: Jason, binuhat si 'Mystery Girl:' 'Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti'