December 13, 2025

Home BALITA Politics

‘It will end this month!’ Rep. Barzaga, PBBM mag-uunahan kung sino unang masisibak sa puwesto?

‘It will end this month!’ Rep. Barzaga, PBBM mag-uunahan kung sino unang masisibak sa puwesto?
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

May panibagong tirada si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025, iginiit niyang isa lang aw sa kanila ni PBBM ang mauunang matatanggal sa kani-kanilang posisyon.

"Either Marcos removes me from Congress or I remove him from Malacañang, there is no inbetween" ani Barzaga.

Pahabol pa niya "It will end this month!" 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Nagsimulang magpatutsada si Barzaga sa kasalukuyang administrasyon matapos ang pag-alis niya sa mayorya ng Kamara bunsod umano nang pagbintangan siyang may kinakalap na signature campaign laban kay House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: Cavite solon na iniugnay sa pagpapatalsik kay Speaker Romualdez, kumalas sa majority bloc

Samantala, matatandanag hindi ito ang unang pagkataong nagbanta si Barzaga hinggil sa isang progresibong pagtugon umano—nang pangunahan niya ang protesta sa harapan ng Forbes Park Village sa Taguig at nagbantang papasukin ng kaniyang hanay ang nasabing subdivision patungo sa tahanan nina Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

MAKI-BALITA: Anti-Marcos protest! Barzaga papasukin bahay nina Romualdez, Co sa Forbes Park

Kasalukuyang nahaharap sa Ethics complaint si Barzaga matapos ang nasabing niyang magkakasunod na tirada sa social media laban sa matataas na opisyal ng gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: 'I know he is not well!' Ethics complaint, ihahain laban kay Rep. Barzaga