December 30, 2025

Home BALITA

Correction officer, timbog matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa New Bilibid Reservation

Correction officer, timbog matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa New Bilibid Reservation

Isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City noon Linggo ng hapon, Nobyembre 2, 2025.

Batay sa spot report ng Muntinlupa City Police Station, isinagawa ang operasyon bandang alas-2:25 ng hapon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Collaborative Group (IACG) at sa Directorate for Intelligence and Investigation ng BuCor.

Ayon sa pulisya, nahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang operatibang nagpanggap na bibili ang suspek, na isang 27-anyos na corrections officer.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 19.4 gramo at tinatayang halaga sa kalsada na ₱131,920.

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Narekober din sa operasyon ang isang ₱500 marked money na ginamit sa transaksiyon, isang dark blue na motorsiklo, isang Glock 17 pistol na may magasin at limang bala, at isang itim na pistol holster.

Ang suspek, na tinukoy umano bilang bagong high-value individual (HVI), ay dinala sa tanggapan ng SDEU para sa dokumentasyon at imbestigasyon bago sampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.