December 14, 2025

Home BALITA Metro

Construction worker na rank no. 5 most wanted, tiklo sa Valenzuela City

Construction worker na rank no. 5 most wanted, tiklo sa Valenzuela City
Photo courtesy: Unsplash


Arestado ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang isang construction worker na naitala bilang Rank no. 5 most wanted ng Northern Police District (NPD) District Level, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Karuhatan Public Cemetery kamakailan.

Katuwang ang Northern District Intelligence Team (NDIT), Regional Intelligence Unit–NCR (RIU-NCR), at ang Philippine National Police Intelligence Group (PNP-IG), nasakote ng pulisya ang nasabing lalaki, na napag-alamang Rank no. 7 most wanted naman ng VCPS Station Level.

Sa ibinahaging Facebook post ng VCPS nitong Lunes, Nobyembre 3, inilahad nilang inaresto ang suspek matapos itong isyuhan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270 ng Valenzuela City, hinggil umano sa paglabag nito sa Lascivious Conduct, sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act (RA) 7610.

Ang nasabing warrant ay may inirerekomendang piyansa na aabot sa ₱720,000.

Ayon sa VCPS, dumaan muna sa isang medical examination ang suspek bago isailalim sa kustodiya ng pulisya, para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Vincent Gutierrez/BALITA

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg