Nakapagtala ng new career-high bilang rank 50 ng Women's Tennis Association (WTA) ang Filipino professional Tennis player na si Alex Eala.
Ayon ito sa bagong tala ng WTA nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025, kung saan makikitang nakamit ni Eala ang kaniyang bagong pinakamataas na rank record mula nang magsimula siya bilang rank 138 nito lang ding taon.
Photo courtesy: WTA
Matapos ito ng naging pagtaas na rin ng rank ni Eala sa nakaraan niyang laban kontra kay Katie Boulter ng Great Britain sa sets score na 6-4, 2-1, (ret) ng Prudential Hong Kong Tennis Open na ginanap noong Oktubre 2 hanggang Nobyembre 2, 2025.
Hindi naman pinalad na makapagpatuloy pa si Eala matapos siyang matalo ng third seed na si Victoria Mboko ng Canada at siyang naging kampeon sa nasabing kompetisyon.
Bukod dito, nauna na ring sunod-sunod salihan ni Eala ang mga Guangzhou Open (Guangzhou, China), Kinoshita Group Japan Open (Japan), at Dongfeng Voyah Wuhan Open 2025 (Wuhan, China) mula noong Oktubre 6 hanggang Oktubre 26, 2025.
Idagdag pa rito ang noong pagsali niya sa Suzhou WTA 125 (Suzhou, China) kung saan nakaabot siya sa round of 16 matapos niyang talunin sina Katarzyna Kawa (Poland) na rank 123 noon at si Greet Minnen (Belgium) na rank 106 noon.
Matatandaang nakaabot din si Eala sa quarterfinals ng Jingshan Tennis Open na ginanap noong Setyembre 22 hanggang 28, 2025.
Matapos niyang talunin doon sina Aliona Falei (Belarusian), Mei Yamaguchi (Japan), at Jia-Jing Lu (China).
MAKI-BALITA: Alex Eala, secured semifinals ng Jingshan Open matapos talunin si Jia-Jing Lu ng China!
Bukod sa mga iyon, matatandaang matagumpay rin na nakamit ni Eala ang tropeo sa kompetisyon ng Guadalajara 125 Open na ginanap sa Grandstand Caliente, Mexico noong Setyembre 7, 2025.
MAKI-BALITA: Alex Eala, tumaas sa rank 61 ng WTA matapos makuha kampeonato sa Guadalajara
Kung saan sunod-sunod niyang talo sina Arianne Hartono (Netherlands), Varvara Lepchenko (United States), Nicole Fossa Huergo (Italy), Kayla Day (USA), at Panna Udvardy (Hungary).
Samantala, ngayong tapos na ang pro season ni Eala, inaasahang magiging bahagi si Eala ng national team ng bansa para dumalo sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa susunod na buwan.
Mc Vincent Mirabuna/Balita