December 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang ‘post-concert blues’ at ano ang coping na puwedeng gawin dito?

ALAMIN: Ano ang ‘post-concert blues’ at ano ang coping na puwedeng gawin dito?
Photo courtesy: MB

Dinagsa ng libo-libong fans ang MAGICMAN 2 World Tour ng rising global icon, singer-songwriter, at rapper, na si Jackson Wang ang Smart Araneta Coliseum noong Linggo, Nobyembre 2. 

Mula sa opening act hanggang sa encore, nanatiling mataas ang energy ng mga Ahgase at Team Jacky, dahil bukod sa mga show-stopping niyang performance mula sa kaniyang MAGICMAN 2 Album, nagtawag din ang singer ng fans sa entablado para samahan siya. 

Sa halos tatlong oras na concert, sulit na sulit para sa fans ang pagbisita ni Jackson sa bansa.

Bukod sa mataas nilang excitement paglabas sa concert hall, makikitang puno ng mga litrato at video ang social media posts ng mga dumalo sa concert. 

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

KAUGNAY NA BALITA: ‘The concert was an entire experience!’ Fans ni Jackson Wang, super enjoy sa MAGICMAN 2 World Tour sa Manila

Gayunpaman, matapos din ang concert, ang saya ng iilan ay nahahaluan ng lungkot, na kilala rin bilang “post-concert depression” (PCD) o “post-concert blues.” 

Ano ang PCD? 

Ayon sa Medical News Today, ang PCD ay ang pakiramdam ng matinding lungkot ng isang fan o concert-goer matapos dumalo sa pinakahinintay na concert.

Bagama’t hindi ito isang medical diagnosis, ang PCD ay maaari ring mauwi sa malalim na depresyon kung magpapatuloy ito ng higit dalawa pang linggo, ayon din sa pag-aaral ng Medical News Today. 

Bakit ito nangyayari? 

Ayon sa healthline, ang PCD ay maaaring na-trigger ng matinding saya at excitement o euphoria sa kasagsagan at ilang minuto o oras pa lamang matapos ang concert. 

Sa mga pagkakataong ito, ang utak ay naglalabas ng endorphins at dopamine o “happy hormones.” 

Kaya, karamihan ay nakararamdam ng lungkot matapos humupa ang euphoria na naramdaman. 

Ayon din sa healthline, kadalasan, ang PCD ay lumilipas isang linggo matapos ang event, ngunit kung tatagal ito ng dalawang linggo o higit pa, inaabiso nang pumunta sa isang mental health professional para sa consultation at counseling. 

Ayon sa Medical Channel Asia, ang mga sintomas ng PCD ay ang mga sumusunod: 

- Pakiramdam ng kapanglawan o lungkot

- Pagiging emotionally drained

- Hirap sa pagbabalik sa normal na gawain

- Kawalan ng interes sa mga bagay-bagay

- Matinding kagustuhan na balikan o pagre-relieve ng naramdaman sa event

- Social withdrawal

Dahil dito, narito ang ilang tips ng Medical News Asia para makabangon muli ang fans at concert-goers mula sa PCD:

1. Balikan ang mga video at litratong nakuha mula sa concert at ilagay sa isang “gratitude journal” ang mga bagay na na-realize o naging espesyal sa concert at sa nagtanghal dito. 

2. Magkaroon ng mas mahabang pasensya sa sarili at maglaan ng sapat na oras para makapag-adjust. 

3. Manatiling connected sa iba pang fans o fans club ng artist na nagtanghal sa concert para makapagbahagi ng mga naging karanasan sa event at sa posibleng pagpaplano ng mga susunod pang concert. 

4. Kasama ang mga malalapit na kaibagan o iba pang fans, subukang magplano ng get-together para mabawasan ang oras sa pag-iisa.

5. Magkaroon ng magagaang gagawain na maaaring makatulong mapagaan ang mood tulad ng pag-eerhesisyo o pagbabasa ng mga libro. 

Mahalagang tandaan na ang PCD ay isang valid response matapos ang pinakahihintay sa concert na higit na nagpasaya sa fans ng isang artist. 

Ang pag-intindi sa mga sintomas na kadalasang nangyayari sa fans matapos ay mahalagang paraan para mas matulungan ang sarili at isa’t isa makabangon muli mula rito. 

Sean Antonio/BALITA