Nagdeklara ng class suspensions para sa Lunes, Nobyembre 3, sa lahat ng antas, sa pampubliko at pampribadong paaralan ang ilang mga lugar sa Visayas dahil sa pananalasa ng severe tropical storm #TinoPH nitong Linggo, Nobyembre 2.
Matatandaang bandang 11:00 AM, tuluyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, na unang bagyo ngayong Nobyembre at ika-20 naman sa buong 2025.
Batay sa ahensya, umabot na sa 95 kilometro kada oras ang lakas ng hangin, malapit sa gitna ng bagyo, at may bugso hanggang 115 kph, habang kumikilos na pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph. Huling namonitor ang mata ng bago sa layong 805 km, sa silangan ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, maituturing na severe tropical storm ang isang bagyo kapag nasa pagitan ng 87 hanggang 117 km kada oras ang lakas nito. Kaya naman, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Camotes Islands sa Visayas; gayundin sa Dinagat Islands at Surigao del Norte sa Mindanao.
KAUGNAY NA BALITA: #TinoPH, lumakas bilang severe tropical storm!
Samantala, narito naman ang mga lugar na nagsuspinde ng mga klase:
REGION V-BICOL REGION
Sorsogon- all levels. public at private
REGION VI-WESTERN VISAYAS
Aklan
- Balete – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Ibajay – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Kalibo – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Malay – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- New Washington – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Antique
- Caluya – face-to-face classes, preschool hanggang senior high school, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Libertad – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- Pandan – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Patnongon – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- San Jose de Buenavista – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Sibalom – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Tibiao – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
Capiz
- Dumarao – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Ivisan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Jamindan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Maayon – preschool hanggang senior high school, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Panitan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Pontevedra – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Roxas City – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Iloilo Province
- Balasan – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Batad – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Carles – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Concepcion – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Estancia – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Leon – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Oton –face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Pavia – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Pototan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- San Dionisio – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Sara – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Iloilo City –face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
REGION VII-CENTRAL VISAYAS
Bohol– lahat ng antas, pampubliko at pampribado
Cebu Province– lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Alcantara– lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Alegria– face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Aloguinsan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Argao – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Asturias – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Badian – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Barili – face-to-face, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- Carcar City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- Carmen – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Compostela – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- Consolacion – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- Cordova – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Daanbantayan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Dalaguete – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Ginatilan – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Liloan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
- Malabuyoc – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Naga City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Poro – ahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Ronda – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- San Fernando – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- San Francisco – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Sibonga – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Talisay City – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko lamang
Cebu City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
Lapu-Lapu City – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
Mandaue City – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Miyerkules na, Nobyembre 5
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
Biliran
- Culaba – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
Eastern Samar – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Leyte
- Abuyog – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Bato – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Burauen – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Carigara – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Tanauan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Tacloban City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Northern Samar
- San isidro – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
Samar – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Southern Leyte
- San Ricardo – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Silago – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
NIR-NEGROS ISLAND REGION
Negros Occidental
- Bago City – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Cadiz City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- Don Salvador Benedicto – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Enrique B. Magalona – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Escalante City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado
- La Carlota City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Manapla – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Moises Padilla – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Pulupandan – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Sagay City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Toboso – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
- Victorias City – lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
Bacolod City – face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pampribado, hanggang Martes na, Nobyembre 4
***
I-refresh lamang ang artikulo para sa bagong updates.