Walang pagtutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa planong anti-korapsyon rally sa Nobyembre 30, basta’t ito ay manatiling mapayapa at walang karahasan mula sa mga tinatawag na “agitators” na nagpapanggap na mga nagpoprotesta upang manakit ng ibang tao.
Sa isang “Kapihan” press briefing sa Gyeongju, South Korea noong Sabado, sinabi ni Marcos na nauunawaan niya ang galit ng publiko kaugnay ng mga bagong isyung may kinalaman sa korapsyon at malugod niyang tinatanggap ang mga mapayapang demonstrasyon.
“The only concern I have when we have demonstrations for whatever reason is that there are agitators who will go and try to cause trouble,” anang Pangulo.
Saad pa niya, “What demonstrator goes to a demonstration with Molotov cocktails that are not intending to cause trouble or to hurt people?”
Gayunman, nagpahayag siya ng pag-aalala sa mga indibidwal na maaaring samantalahin ang mga pagtitipon upang magdulot ng kaguluhan.“We have a good idea of who they are. And I hope that they don’t… Tanggalin na ninyo sa isip ninyo ‘yan. Manggugulo kayo. Wala namang mangyayari. May masasaktan lang. Nasasaktan pa ‘yung mga kasama ninyo kung minsan,” saad ni PBBM.
Ayon sa Pangulo, mahigpit na babantayan ng mga awtoridad ang mga grupong posibleng mag-udyok ng karahasan.
Giit niya, “They’re not there to hurt anyone. So that’s the only thing I worry about.” Binigyang-diin din niya na ang presensiya ng mga pulis sa panahon ng mga protesta ay para sa kaligtasan ng lahat at hindi upang takutin ang mga demonstrador.
Binigyang-diin din niya na ang presensiya ng mga pulis sa panahon ng mga protesta ay para sa kaligtasan ng lahat at hindi upang takutin ang mga demonstrador.