December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Win Gatchalian, binira mga mapagsamantalang diploma mill

Sen. Win Gatchalian, binira mga mapagsamantalang diploma mill
Photo Courtesy: Win Gatchalian (FB), Freepik

Pinapanagot ni Senador Win Gatchalian ang mga diploma mill na nananamantala sa mga gurong nagnanais matugunan ang kwalipikasyon sa promosyon.

Sa latest Facebook post ni Gatchalian nitong Linggo, Nobyembre 2, sinabi niyang hindi dapat pinahihintulutan ang paglaganap ng mababang kalidad ng graduate programs para sa kaguruan.

Kaya naman hinimok niya ang Commission on Higher Education (CHED) na aksiyunan ang nasabing isyu.

“I urge the Commission on Higher Education to take decisive action against these institutions and ensure that all graduate programs uphold the highest standards of quality,” anang senador.

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Dagdag pa ni Gatchalian, “Ang mga guro ang may pinakamahalagang papel sa edukasyon ng ating mga kabataan. Kailangang tiyakin natin na nakakatanggap sila ng dekalidad na edukasyon at pagsasanay.”

Samantala, inugat naman ni ACT-NCR Union chairperson Ruby Bernardo ang dahilan kung bakit may mga gurong kumakapit sa diploma mills.

Aniya, “‘Yong mga polisiya ninyo ay nanghihingi ng sandamakmak na papel sa guro pero barya-barya naman ang dagdag na sahod at benepisyo.”

“Pahirapan pa rin naman ang promosyon kahit sa Expanded Career Progression (ECP), hindi rin sapat ang suporta para sa post-graduate degree,” dugtong pa ni Bernardo.

Kaya naman hinamon niya ang mga opisyal na isabatas ang Free Post-Graduate Bill at ipatupad ang promosyong hindi lang nakabatay sa papel kundi sa serbisyo.