Tila nagmamaktol ang 3rd Big Placer Duo ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition na si Charlie Fleming matapos mabalitaan ang muling pagbalik ng kaduo niyang si Esnyr sa Bahay ni Kuya (BNK).
MAKI-BALITA: Esnyr, magbabalik sa loob ng Bahay ni Kuya!-Balita
“Ah Ganun pala kuya ha…. First si Donny…2nd mga kaibagan ko….NGAYON YUNG FINAL DUO KO?!?” ani Charlie sa kaniyang X post noong Sabado, Nobyembre 1.
Dahil sa tila pagrereklamong ito ni Charlie kay Kuya, hindi tuloy napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang mga reaksyon at komento hinggil dito.
"dinibdib talaga ni kuya yong 'kainis' mo charlie"
"kuya: are you saying I’m unfair?...charlie: no kuya, you just have your favorite...HAHAHAAHAH charlie so bobbie coded"
"girl sa final 4 ka pa ipapasok ulit ni kuya"
"PINSAN MO NA DAW NEXT BE AHAHAHAHAHAHAHAH"
"Pinaglaruan ni kuya feelings mo cha hahahaha"
"Pinagti-tripan ka talaga ni kuya @PBBabscbn!"
"Char, mukhang ginagantihan ka ni kuya sa pagsabi mo ng 'kainis' hahaha"
"may galit ata sayo si kuya cha HSHAHSHASHAAHAHAHAHSHSHSH"
Matatandaang tila nagdabog din kamakailan si Charlie matapos mapag-alamang papasok sa BNK ang kaniyang mga kaibigan.
"Kuya, pinasok mo lahat ng mga kaibigan ko nang wala na ako. Ngayong naonood ako ng PBB naiiyak na lang ako kasi nami-miss ko sila,” ani Charlie.
KAUGNAY NA BALITA: Charlie Fleming, nagmaktol kay Kuya: ‘Ipinasok mo lahat ng kaibigan ko nang wala na ako!'-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA