January 24, 2026

Home BALITA

Nanay na bumili ng gatas ng anak, patay sa bangga ng motorsiklo

Nanay na bumili ng gatas ng anak, patay sa bangga ng motorsiklo

Patay ang isang 33 taong gulang na babae matapos siyang mabangga ng isang motorsiklo sa gitna ng pedestrian lane sa North Cotabato.

Ayon sa mga ulat, pauwi na sana ang biktima na isa ring guro, matapos siyang bumili ng gatas ng kaniyang anak. Napag-alamang humaharurot ang motorsiklo nang bigla siyang salpukin nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang 23 taong gulang na lalaki ang nagmamaneho ng nasabing motorsiklo. Sa lakas nang pagkakabangga, kapuwa tumilapon ang rider at biktima.

Agad namang nakaresponde ang ambulansya at dinala ang dalawa sa magkahiwalay na ospital. 

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

Samantala, pumanaw ang biktima habang ginagamot sa ospital. Hustisya naman ang panawagan ng naulilang pamilya ng bitima at nanindigang pananagutin ang rider ng naturang motorsiklo.