December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kuya Kim, nagbigay ng detalye sa pagkamatay ng anak: 'Emman did not die in vain!'

Kuya Kim, nagbigay ng detalye sa pagkamatay ng anak: 'Emman did not die in vain!'
Photo courtesy: Screenshot from Kapuso Mo Jessica Soho (FB)/Emman Atienza (IG)

Naantig ang mga netizen sa mga binitiwang detalye ni GMA Network trivia master at TV host Kuya Kim Atienza hinggil sa kontrobersiyal na pagpanaw kamakailan ng anak niyang social media personality at mental health advocate na si Emman Atienza, sa eksklusibong panayam sa kaniya ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho.

Naglabas ng ilang video clips ang programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa pagdalaw ni Jessica sa wake ni Emman na naiuwi na sa Pilipinas. Na-cremate na si Emman at naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi niya, na nakalagay na lamang sa urn. Ginanap ang panayam sa mismong tahanan ng mga Atienza.

Sumakabilang-buhay ang TikTok star noong Oktubre 22 sa Los Angeles California, US kung saan nakatira ang anak ni Kuya Kim.

KAUGNAY NA BALITA: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Sa umpisa pa lang ng panayam, nagpasintabi na agad si Jessica na ayaw niya sanang gawin ang panayam at gusto na lang niyang makinig sa mga ikukuwento ni Kuya Kim, pero sinabi ng huli na nang mga sandaling iyon ay nasa maayos siyang kondisyon. Kitang-kita sa mukha ni Kuya Kim ang pagod at lungkot, mugto pa ang mga mata niya, subalit nakangiti pa rin siyang humarap kay Jessica para sa panayam.

"Okay lang, Jessica. I'd like to think that my daughter Emman did not die in vain," saad ni Kuya Kim.

Sumunod, sinabi ni Kuya Kim na noong namatay si Emman, alam na nila ng misis na si Felicia Atienza na may problemang pinagdaraanan ang anak nila. Sinabi rin ni Kuya Kim na may mga "few attempts" na ang anak noon pa man.

"And my prayer to the Lord every single day was for this not to happen. For Emman to be safe, for Emman to be happy, for Eman to heal."

"Yet this happened," emosyunal na sabi ni Kuya Kim.

Naniniwala raw si Kuya Kim na may dahilan kung bakit nangyari kay Emman ito, at ang dahilan daw na ito ay maganda, at ito raw ang nagbibigay ng kapayapaan sa kaniya.

Sumunod, kinumusta naman siya ni Jessica.

"How are you?" tanong ni Jessica. "How are you coping?"

"I'm good, kasi nandiyan ka, may mga bisita kami ngayon sa bahay. I'm good. Pero grief kasi comes in waves eh. Minsan biglang bumabagsak, ngayon okay ako," ani Kuya Kim.

"Ayokong mag-isa kasi 'pag mag-isa ako, medyo mabigat... I look at social media because I get inspired. Sabi ng mga kaibigan ko, e, 'Huwag ka tumingin.'"

"Yung mga comments, hindi ko binabasa, pero yung mga post binabasa ko because I can see that Emman's death has touched a lot of lives."

"At nagugulat ako, eh. Even Americans, even people from out of the country are making comments about Emman and about how she's touched their life," ani Kuya Kim.

Binalikan din ni Kuya Kim ang ilan sa mga ibinahagi ni Emman tungkol sa kaniyang sarili, magmula sa na-develop na trauma sa kaniya noong bata pa siya dahil sa isang kasambahay na tinakot siyang papatayin ng mga laruan habang ikinukulong sa cabinet, bagay na ibinahagi rin niya sa panayam naman ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa "Toni Talks."

Binanggit din ni Kuya Kim na lahat ng mga anak niya ay pinalaki nilang "strong" kaya ikinagulat daw niya ang nangyari kay Emman, dahil ang ipinakikita nito sa harapan ay malakas siya, subalit may iniinda palang kahinaan sa katahimikan.

Bahagi rin ng panayam ang pagbibigay ng detalye ni Kuya Kim sa mga naganap bago pumanaw ang anak, nang matanong na siya ni Jessica tungkol dito.

Kuwento ni Kuya Kim, dalawang araw bago sumambulat ang balita ng pagkamatay ng anak, natunugan na nilang may problema ang anak

"Emman texted her mommy. Sabi niya, 'Mom, I'm in an emergency right now but worry not. There's no self-harm. But I need to go to a therapy center.'"

"So iyon ang message namin. So we knew there was something wrong. We tried calling her, hindi sumasagot. And then the next day we tried calling her again, hindi na naman sumasagot. So I knew. I was in the Philippines, Fely was in Florida. Mayroon siyang pickleball championship, eh. Buti nasa America na siya when that happened, 'no? But I was waiting here."

"And then on the second day, I woke up in the morning, may message si Fely. 'I have terrible, terrible news.' I knew already. Napaluhod ako, nanlambot ang tuhod ko. Sabi ko, 'Lord, heto na.' So I called Fely, and Fely said, 'Emman's gone.'"

"Nanlambot ako, nanlamig ako. And ang nasa utak ko, 'Lord, dasal ko sa yo 'to araw-araw. Why?'"

Agad daw lumipad mula Florida patungong Los Angeles ang misis, at siya naman ay nakalipad mula Pilipinas patungong LA makalipas ang dalawang araw.

"So, Emman is now in the Philippines, but right now I'm just grieving that Emman is lost," ani Kim.

"I can see that it's moving a lot of people, not only in the Philippines but worldwide."

"Alam mo ba yung anak ko, si Emman is, was in New York Times. She was in TMZ, Entertainment Tonight... and painfully I was reading all the comments. And all the, the articles. But what's good about her being written about was they wrote about what happened and they also wrote about what she stood for, which is a little kindness."

"Kumalat 'yon, eh. 'A little kindness, a little kindness.' Emman was so kind. Napakabait ng batang 'yon, sobra."

Samantala, bukas sa public viewing ang wake mula Nobyembre 3 hanggang 4 para sa mga nais makiramay sa pamilya Atienza. Wala pang detalyeng ibinibigay ang pamilya patungkol naman sa libing.

KAUGNAY NA BALITA: 'Heaven has gained a beautiful angel!' Kuya Kim at Felicia Atienza, nag-post ng makabagbag na tribute para kay Emman