December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Kakasa ka ba, bawal magbate sa buong Nobyembre?

Kakasa ka ba, bawal magbate sa buong Nobyembre?
Photo Courtesy: Pexels, Freepik

Bukod sa All Souls’ Day na ginugunita taon-taon tuwing Nobyembre, may isang challenge na isinasagawa ang kakalakihan sa buwang ito—ang No Nut November o NNN.

Ang No Nut November ay isang challenge kung kailan susubukin ang kakayahan ng mga lalaking magtimpi na hindi magbate sa buong buwan ng Nobyembre.

Pinaniniwalaang una itong nagsimula noong 2011 hanggang sa mas lumaganap pa sa social media noong 2017. 

Ngunit matagal na umano itong ginagawa ng mga Taoist sa loob ng mahabang panahon gayundin ng mga taong sinusubukan ang tantric sex. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Kumakasa ang maraming lalaki sa No Nut November dahil sa mga umano’y benepisyong idudulot ng pag-iwas sa makamundong gawain hindi lang sa pisikal kundi sa mental at espiritwal na kalusuga.

Ilan sa mga pinaniniwalaang mabuting idudulot ng NNN ay muscle growth, pagtaas ng libido, pagbaba ng anxiety level, de-kalidad na modtaks, pagbaba ng stress level, at iba pa.

Pero wala pa umanong matibay na patunay ang siyensiya hinggil sa mga paniniwalang ito. Dahil ang mismong pagsasarili ay may magandang dulot sa kalusugan.

Sa katunayan, ayon sa isang artikulo ng WebMD, lumalabas umano sa mga pag-aaral na ang mga lalaking nagbabate ng 21 beses kada buwan ay may mababang risk na magkaroon prostate cancer kumpara sa kalalakihang apat o pitong beses lang itong ginagawa sa isang buwan.

Batay din umano sa Hartford Healthcare, nakakatulong ang pakikipagtalik para ma-improve ang daloy ng dugo sa prostate gland na siyang nagdadala ng oxygen at nutrients habang tinatanggal ang mga dumi rito.

ALAMIN: Pagbabate nang 21 beses kada buwan, makakatulong iwasan ang prostate cancer?

Pero gaya ng laging sinasabi, masama. Magbate nang responsable.

Basahin: Mga benepisyo at panganib na dulot ng ‘pagsasariling-sikap’