December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jennylyn, humirit sa low-budget photoshoot para sa Halloween: 'Kakabayad lang ng tax!'

Jennylyn, humirit sa low-budget photoshoot para sa Halloween: 'Kakabayad lang ng tax!'
Photo courtesy:Jennylyn Mercado (IG)

Naghatid ng good vibes sa social media si Kapuso star Jennylyn Mercado matapos niyang ibahagi ang kanilang family Halloween photoshoot kasama ang asawang si Dennis Trillo at kanilang mga anak.

Sa naturang post, ibinida ni Jennylyn ang kanilang simpleng pero creative na photoshoot na halaw mula sa "Little Mermaid" kalakip ang caption na may himig-pagbibiro pero makahulugan.

“Happy HO-lloween! Low budget photoshoot muna... kakabayad lang ng tax!” aniya.

Agad itong umani ng papuri at tawa mula sa mga netizen, na natuwa sa pagiging totoo at relatable ng aktres. Ngunit may ilan ding nagkomento na tila may banat daw ang hirit ni Jennylyn patungkol sa isyu ng pagbabayad ng buwis, lalo na sa gitna ng mga umiinit na usapin tungkol sa korapsyon at maling paggamit ng pondo ng bayan.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Hahaha ang cute ninyo perfect"

"Love the caption!"

"I love this family!"

"Cute n'yo!"

Sa kabila ng mga birong ito, marami pa rin ang pumuri sa aktres sa pagiging transparent at witty, lalo na’t kilala si Jennylyn sa pagiging hands-on mom at practical na misis.

Ibinahagi rin ni Dennis sa kaniyang Instagram post ang kanilang Halloween costume photos.

"Under the sea."

"The human world, it’s a mess. Life under the sea is better than anything they got up there…" mababasa sa caption, mula sa sinabi ng American actor na si Samuel E. Wright.

Sa kabila ng “low budget” na tema, napansin ng mga netizen ang effort at creativity ng pamilya Trillo-Mercado, na madalas ding magbahagi ng masasayang family moments online.