Naglabas ng sentimyento niya ang aktres at komedyanteng si Iyah Mina matapos umanong makaranas ng "misgendering" sa isang sikat na coffee shop, sa branch nito sa West Avenue, Quezon City batay sa kaniyang latest Facebook post.
Batay sa post ni Iyah nitong Linggo, Nobyembre 2, bumili sa drive-thru si Iyah sa coffee shop at tinanong pa raw siya ng staff kung "Sir" o "Ma'am" ang itatawag sa kaniya.
"Starbucks Starbucks Philippines west avenue quezon city ! Kaloka kayo ha! Okay lang naman na magkamali ng tawag! Paulit ulit lng talaga un tawag na Sir.. kung hindi alam itatawag na pronoun eh wag ng itawag.. tinanong mo pa ako ulit Sir ba o mam talaga ba? Kapal ng blush on ko! Etong masama pakiramdam ko dai.. KAUSAPIN NIYO UN D.T.O at nasa cashier!
"Ganito itsura ko nag drive thru oh! Hahahaha." mababasa sa post ni Inah.
Photo courtesy: Screenshot from Iyah Mina/FB
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"This is exactly why awareness and sensitivity training are so important. No one should have to explain their identity over and over."
"It's really offending na tawagin Kang Sir, di nyo nmn ma pli please kung tawagin kayung sir, maybe kulang lang Sila sa Orientation, baka nalito lang Sila, or sadyang ininssit nila para pahiyain ka, idk kung Ang Starbucks ay against sa LGBT knowing na Meron din Naman Silang LGBT na crew across the world, Dito sa Pinas Pinoy kapwa Pinoy ilalag lag ka, or na imbyerna saiyo Mami iyah Basta Mami iyah lahat Naman Ng cross dresser, trans woman,transgender eh mam Talaga Ang itawag kahit Sabihin na Entitled, but now a days it's normal na tawaging mam for Formality at Pag Respeto."
"Bakit ba big deal kung sir or maam? Eh sir ka nman talga. Kabawasan ba yan sa pagkatao mo?"
"Iyah Mina Be fair din Mima. Pag drive thru, boses lang ang naririnig initially, eh hindi nman feminine ang boses mo. Kaya obvioulsy, pag nakita na ang face mo, natural na magtatanong kung mam ba o sir. Nakakainis lang din kc binibigyan nyo ng burden yung mga tao and you are holding people accountable para sa personal preference nyo. And the fact na nagtnong siya kung sir or mam, I think he is reasonable. That’s not fair!"
"Hello Starbucks Philippines she's a wonan... A BEST-ACTRESS one!!!"
Gumawa ng kasaysayan si Iyah matapos siyang manalong "Best Actress" sa pelikulang "Mamu; And a Mother Too" ng Cinema One Originals noong 2018. Ito ang unang beses na may transgender woman na nanalo sa nabanggit na kategorya at sa nabanggit na festival.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang pamunuan ng coffee shop sa West Avenue, QC branch kaugnay sa isyung ito.