Maging ang aktor na si Vin Abrenica ay pinagdiskitahan din ang pagkanta ng kapatid niyang si Aljur Abrenica.
Sa latest Facebook post ni Vin noong Sabado, Nobyembre 1, mapapanood ang sariling version niya ng vocalization sa intro ng kantang “Past Lives” ng BØRNS.
Nauna na itong ginawa ni Aljur at nagkaroon na nga ng iba’t ibang meme na kasalukuyang kumakalat sa social media.
“Oooooohhh hoopoooOoooooo oooooohhh HaaaAaa Aaahaaaaaa AaaaahaaaaaaaOaaaaa…” saad ni Vin sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Dinogshow ang sariling kapatid. Hahahahahaha"
"It runs in the Blood the Hoooo Haaaaah of Abrenica Family "
"Pangit ng tono. Mas maganda yung pagka pangit nung kay Aljur"
"Wala na...nahawa na pati kapatid"
"Hahhahaha! Enjoy the city my dear!"
"Dami kong tawa dito, mapang-asar na kapatid"
"Sounds familiar"
"May vibrato ah hahaha"
"okay.. they are real bros hahaha"
"Call of the wild... Char! "
"Maganda naman boses ni aljur di ko alam bat binabash. Idol ko kaya mag kapatid na toh followers pa ako sa YouTube"
"Sorry Vin, version parin ni Aljur "
Matatandaang hindi pa natatagalan simula nang maglabas ulit ng cover song si Aljur matapos siyang hiritan ni Kapamilya Primetime King Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya.
Nirekomenda pa ng isang netizen na mag-collab daw sila ni “It’s Showtime” at Kapamilya star Anne Curtis para sa isang concert.
Maki-Balita: Kakasa kaya? Aljur Abrenica, pinapa-collab kay Anne Curtis