Tinama ng Viva One actress na si Bea Binene ang pagpapakilala sa kaniya sa isang post matapos sabihing siya ay isang Vivamax Actress.
Sa ibinahagi niyang X post nitong Linggo, Nobyembre 2, nagpasalamat ang aktres sa naturang post ngunit nilinaw niyang siya ay mula sa Viva One, at hindi sa Vivamax.
“Thanks for this po but just want to clarify.. I'm with Viva One po. Thanks, God bless you,” ani Bea sa caption ng X post.
Photo courtesy: Bea Binene/X
Ang nasabing post ay patungkol sa isang panayam sa aktres, kung saan ibinahagi niya kung paano ba siya dinisiplina ang kaniyang ina na si Carina Binene.
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing X post ni Bea.
“Hahahaha naging sexy star bigla”
“Vivamax kasi yung ka-loveteam mo! Baka kaya akala vivamax ka rin!”
“Hoooy, bakit naman vivamax? Hahahaha pero dati nung di ko pa alam ang pinagkaiba ng vivaone at vivamax app, ang nadownload ko vivamax. Nagtaka mga officemate ko bakit daw may ganun akong app. Malay ko bang magkaiba yun. Hahahahaha”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA VIVAMAX”
“Di ko nga maimagine bed scene sa gsot, ilalagay nyo pa naman sa vivamax si bea”
“Natulog ka lang tapos pag gising mo viva max artist kana”
“Na para bang vinolunteer ka na nila for more mature roles”
Pinapanawagan naman ng ilang netizen ang pag-eedit ng nasabing post.
Vincent Gutierrez/BALITA