January 05, 2026

Home SHOWBIZ

Barbie Imperial bet ipaalbularyo si BINI Gwen

Barbie Imperial bet ipaalbularyo si BINI Gwen
Photo Courtesy: Barbie Imperial, Gwen Apuli (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya actress Barbie Imperial sa Halloween costume ng kapuwa niya Bicolanang na si BINI member Gwen Apuli.

Sa isang Facebook post ni Gwen noong Sabado, Nobyembre 1, makikita ang serye ng mga larawan niya bilang isang white lady. 

“Come In” saad ni Gwen sa caption.

Shinare naman ito ni Barbie sa kaniyang Facebook account. 

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Sabi ni Barbie, “May midbid akong para santigwar sa Bagtang beh mari na [May kilala akong albularyo sa Bagtang beh come on].”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang shared post ng aktres mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sagot ko na an kandila"

"Chaka doll baga yan"

"Putcha pwede na pang horror movie"

"ipa x-ray mo sa plato behh"

"Klase ng multo na imbes itaboy, dito ka na sa bahay magpa hanggangkailan pa man "

"HAHA sa may canumay ba Yan bie? "

"Bagay sya sa horror movie"

"hindi na kaya ng santigwar yan, dapat jan sa kadlan dinadara. "

"Ako na Masantigwar dyan Madi" "

Matatandaang noong nakaraang taon ay si Pennywise naman mula sa horror movie na “It” ang ginaya ni Gwen.