January 04, 2026

Home BALITA National

‘Ang hirap lapitan!’ PBBM, ikinuwento ang pagbati kay Chinese Pres. Xi Jinping

‘Ang hirap lapitan!’ PBBM, ikinuwento ang pagbati kay Chinese Pres. Xi Jinping
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa delegasyon ng Philippine media ang naging personal na pagbati niya kay Chinese President Xi Jinping sa ika-32 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa South Korea. 

“The only time I was able to speak to President Xi Jinping was in our last leaders’ retreat meeting. And the reason why, ang hirap lapitan talaga,” saad ni PBBM.

Nilinaw niya na bagama’t nasa iisang holding room sila ng Chinese President, palaging may nakapaligid na security dito. 

“Mayroon kaming holding room, but every time he comes in, he's surrounded by security, so, ang hirap lapitan, Ayoko namang mamilit baka suntukin pa ako ng security guard niya,'' paliwanag niya. 

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Gayunpaman, pinilit pa rin daw ni PBBM na magbigay ng pagbati kay Xi sa anunsyong pangunguna ng China sa APEC 2026.

“'But when we came to the end, sabi ko, ‘nakakahiya ito , hindi pa ko bumabati, diba, baka kung ano sabihin. Baka ma-offend.’ So, pinilit kong makapunta sa kaniya, sabi ko, ‘congratulations on your assumption for the chair for the following APEC. I hope to do a good work with you.’ Mabilisan lang talaga.” pagbabahagi ni PBBM 

Sa press briefing din na ito, binanggit ni PBBM na hindi tamang lugar ang APEC para pag-usapan ang mga problemang kinahaharap ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) dahil isa itong economic meeting, at ang ginawa niyang pagbati kay Xi ay isang “common courtesy.”

Sa kaugnay na ulat, binatikos ni PBBM sa ika-47 ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Summit kamakailan ang pangha-harass ng China sa mga Pinyo sa WPS. 

KAUGNAY NA BALITA: Sa mismong ASEAN Summit! PBBM, kinondena pangha-harass ng China sa isyu ng West Philippine Sea

Kaya sa pag-upo ng Pilipinas sa chairmanship ng ASEAN sa 2026, tiniyak ni PBBM na patuloy pagtitibayin ng bansa ang kapayapaan, kaunlaran, at pagyabong ng mga mamamayan. 

KAUGNAY NA BALITA: : ‘To my friend, Bongbong, good luck!’ Malaysia PM Ibrahim, ipinasa na ang ASEAN chairmanship kay PBBM

Sean Antonio/BALITA