Usap-usapan ng mga netizen ang isa sa mga Instagram post ng aktres na si AJ Raval kung saan pinili niya ang iconic superhero na si Darna bilang costume para sa Halloween.
Bukod sa pagkomento ng aktor at karelasyong si Aljur Abrenica na siya raw ang "pinakabagay" na Darna, hindi rin pinalampas ng mga netizen ang isa sa mga larawan ni AJ kung saan makikita ang kasama niyang bata.
KAUGNAY NA BALITA: AJ, pinakabagay na Darna sa paningin ni Aljur
Hindi makikita ang mukha ng bata sa larawan dahil tinakpan ito ng heart emoji, pero espekulasyon ng mga netizen, baka ito na raw ang anak nila ni Aljur.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Yan naba anak nyo?"
"time is the ultimate truth teller talaga sabi hindi sya yung reason ng hiwalayan tas anlaki na ng anak"
"Ang cute ng daughter nyo kahit di kita mukha"
"Omg"
"Wow baby reveal na ba?"
Matatandaang inamin na ng ama ni AJ na si Jeric Raval na may apo na siya sa anak at kay Aljur, matapos niyang "madulas" sa media interview.
KAUGNAY NA BALITA: 'Nasabi ko na eh!' Jeric aminadong 'nadulas' na may anak na sina AJ at Aljur
Nang tanungin naman si Aljur patungkol dito, sinabi niyang hindi pa siya bukas na pag-usapan ang tungkol sa mga anak, bagama't nilinaw niyang hindi naman siya galit kay Jeric.
KAUGNAY NA BALITA: Kahit binuking na ni Jeric: Aljur, 'di pa comfy pag-usapan tungkol sa mga anak kay AJ
Kung babalikan, ilang beses itinanggi ni AJ ang mga kumakalat na tsikang nanganak siya sa ipinagbubuntis kay Aljur, batay na rin sa tsikang pinakawalan ni showbiz insider Cristy Fermin.