December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Pinakamatandang Pinoy film, natagpuan sa Belgium!

Pinakamatandang Pinoy film, natagpuan sa Belgium!
Photo Courtesy: Nick Deocampo (FB)

Nadiskubre na ang pinakamatandang pelikulang Pilipino sa Belgium film archive na prinoduce ni "Father of Philippine Cinema" Jose Nepomuceno. 

Sa isang Facebook post ng director at film historian na si Nick Deocampo noong Biyernes, Oktubre 31, sinabi niyang personal siyang pumunta sa Belgium para hanapin ang nasabing pelikula.

“Using my personal money to buy a plane ticket to go to Brussels, Belgium from Berlin, I linked-up with the daughter of a pioneering Ilonggo-language film director, Louise Baterna, to liaise with the Cinémathèque royale de Belgique in finding the film. Happy to announce, the film's been found!” saad ni Nick.

Maituturing umano bilang makasaysayan ang pagkatuklas na ito sa pelikulang pinroduce ni Nepomuceno dahil sa kabila ng mga pelikulang iniuugnay sa kaniya, ito pa lang ang natatagpuan.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Matatandaang unang ipinalabas sa publiko ang “Diwata sa Karagatan” noong 1936. 

Idinirek ito ni Carlos Vander Tolosa habang pinagbidahan naman ng mga pre-war icons na sina Mari Velez at Rogelio dela Rosa.