Tila inaabangan pa rin talaga ng publiko ang pagbabalik ni Angel Locsin sa spotlight ng showbiz industry.
Sa panayam ni TV5 showbiz reporter MJ Marfori sa ginanap na 20th anniversary ng Cornerstone kamakailan, inusisa ang mister ni Angel na si Neil Arce kung posible bang makita sila ng publiko nang magkasama.
“May chance ba? I'm sure you will, one way or another,” saad ni Neil.
Dagdag pa niya, “We're just not planning anything. We're just enjoying life."
Ayon sa mister ni Angel, lumalabas-labas pa rin naman daw silang mag-asawa. Sa katunayan, dumalo sila pareho sa kasal ng utol ni Angel.
Sa kasalukuyan, sinusubaybayan umano ng Kapamilya star ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Isa sa mga housemate nito ay ang anak ni Neil na si Joaquin Arce. Matatandaang binati pa ni Angel ang bata noong Hulyo sa pamamagitan ng X post para sa bagong milestone nito sa buhay.
Maki-Balita: Nag-congrats kay Joaquin Arce: Angel Locsin, magbabalik na?
Nagsimulang hindi magparamdam si Angel sa publiko noong matapos ang 2022 national elections.
MAKI-BALITA: Angel Locsin ineenjoy absence sa social media