December 14, 2025

Home BALITA Metro

Libo-libong pamilya, patuloy pagdagsa sa mga sementeryo sa Maynila

Libo-libong pamilya, patuloy pagdagsa sa mga sementeryo sa Maynila
Photo courtesy: Manila PIO (FB)

Patuloy ang pagdagsa ng libo-libong Pinoy sa mga sementeryo sa Maynila bilang pagbisita sa mga yumaong kaanak nitong Sabado, Nobyembre 1, Araw ng mga Patay. 

Ayon sa Facebook page ng Manila Information Office (PIO), nakaantabay ang Manila City DRRM (Disaster Risk Reduction and Management) Office Medical Response Team sa Manila North at South Cemetery para magbigay ng agarang tulong sa mga bumibisita. 

Sa pangunguna din ni Officer-in-Charge Dr. Grace H. Padilla ng Manila Health Department, naka-deploy ang mga medical personnel mula District Health Offices 3, 4, 5, at 6 para magbigay ng on-site medical assistance, first aid, at emergency response sa mga bisita sa mga sementeryong ito sa Maynila. 

Sa panayam ng Super Radyo dzBB kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Public Information Office chief Police Major Hazel Asilo, binanggit niya na bagama’t patuloy ang pagdagsa ng mga pamilyang bumibisita, nananatili namang mapayapa ang sitwasyon sa mga sementeryo. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Ayon naman kay Manila North Cemetery Director Daniel Tan, inaasahan na aabot sa milyon ang mga bibisita. 

Kaya, pinalalahanan niya ang mga ito na magdala ng sarili nilang garbage bag para mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa sementeryo. 

Sean Antonio/BALITA